Wika ang pokus sa antas na ito ng pagbasa. Unang konsentrasyon dito ang pagkilala sa aktwal na mga salita, at ang pagpapamalay sa kahulugan ng mga ito.
Ang Inspekyunal na Antas - Panahon ang pinakamahalaga sa antas na ito ng pagbasa. Itinatakda sa llimitadong oras ang pagbasa. Natural, Hindi siyempre hangand ditong kunin ang lahat-lahat sa binabasa, tanging yaong mga superfisyal na kaalaman lamang. Tungkol saan ang libro?
Anu-anu ang mga bahagi nito? Anong uri ito ng babasahin - kasaysayan ba? - Pre-reading o sistematikong iskiming din kung tatawagin ito. Ang Mapanuri o Analytikal na Antas - Aktibo naman ang antas na ito ng pagbasa sapagkat hangad ditong intindihing mabuti ang ipinapakahulugan sa pamamagitan ng malinaw na pag-iinter[reta sa mga metapora.
Interpretatibo ito, samakatuwid, sapagkat matalinong hinihinuha ang mga pahiwatig at tagong kahulugang matatagpuan wika nga, sa pagitan ng teksto o linya. Gayundin, minamahalaga rito ang malalalim na nakapaloob na kaisipan. Syempre pa, Hindi mahihiwalay ang pagpapahalaga sa kahusayan ng mga paraan ng pagkakasualt nito.
Ang Sintopikal na Antas - Pinakamataas ang antas na ito ng pagbasa. Kumplikado at sistematikong pagbasa ito. Humahamon sa kakayahan ng bumabasa. Komparatibo rin ito. Ibig sabihin, dapat marami nang nabasang libro ang bumabasa para makapag-hambing siya, makapagtulad at makapag-iba-iba, makapagsuri, makapamuna at makapagpahalaga, kaya naman kahit matrabaho ang pagbasa rito, marami naming nakukuhang benepisyo. - Pag uunawang integratibo.